Nagsimula ang klase sa pagbati ni Propesor Alarde sa klase na binubuo ng mga estudyante kumukuha ng kursong arkitektura at fine arts. Mabilis na pumasok sa klase ang propesor ipinamigay ang mga papel na tila nagsilbing aralin para sa araw na ito.
“Simulan mong basahin Bb. Mortega”
Agad akong tumayo at sinimulang basahin ang pamagat .
“Baliw.”
Isa itong maikling kuwento na ipinanalo ni Mayet Bayuga, isang Palanca Awardee at isa sa mga natatanging manunulat na aking hinangaan magmula nang nabasa ko ang kanyang mga gawa. Ang mga simbolismo, bawat salita sa bawat talata ay may mas malalim pa na kahulugan sa inaasahan. Ang kanyang pilosopiya ay kahanga-hanga. Ang istruktura ng kanyang panunulat at mensaheng ipinaabot sa mga kababaihan ay tunay na nakapagpapalakas ng loob ng kahit sinong babaeng makababasa ng kanyang gawa
Mga babaeng gaya na lamang ni Pia Pelaez na naging biktima ng sarili niyang asawa.
Karamihan sa mga isinulat ni Mayet Bayuga ay ukol sa Feminismo. Wika nga ng aming propesor dapat na katakutan ng isang lalaki ang isang babaeng mahilig magbasa ng mga gawa ni Mayet Bayuga.
Magkasundo ang paniniwala namig ng may akda. Pareho kaming naniniwala .
Pantay lamang ang dalawang kasarian. Hindi nakahihigit ang isa sa isa.
Pareho kaming gigil sa mga senaryo kung saan makikita mong nakakalong ang isang babae sa kanyang irog o kahit ang paglalaro o paghawak ng isang lalaki sa buhok ng isang babae (kahit isang hibla)
Mga babaeng binubugbog ng kanilang mga asawa. Mga kababaihang hindi makapanindigan sa kanilang mga sarili, o wala nang respeto sa kanilang katauhan, sa kanilang kasarian.
Nakalulungkot hindi ba? Kung paano ang pagtrato sa mga kababaihan noon. Dominante raw ang mga kalalakihan kaya naman hanggang sa gawaing bahay lamang ang mga kababaihan.
Mabuti na lamang at iba na ang kalakaran ngayon ngunit hindi pa rin maaalis na mayroon pa ring impresyon na ikalawa lamang o mas mahina ang mga kababihan kesa kalalkihan.
Gaya na lamang ng paliwanag ni Propesor Alarde, Sa kasalukuyan kung may isang babae na umibig na sa maraming lalaki maari siyang tignan o ituring na siya ay marumi sa kaso naman ng kalalakihan, mas macho ka kapag nakarami ka na ng kababaihan at lalu na pag ginamit daw ng mga kalalakihan ang kanilang natatanging sandata.
Hindi kaya ang sandatang ito at ang malumanay nitong paghimas ang dahilan kung bakit mas mahina ang maraming mga kababaihan sa aspekto ng hiwalayan? Isa lamang iyang “hypothesis” sa aming klase
At ang hindi pag laban ng isang babae kahit na siya ay pinagmamalupitan ng lalaki ay simbolo nga ba talaga ng kahinaan?
Hindi.
Simbolo ito ng kamangmangan at kawalan ng pagpapahalaga sa sarili. Isang malaking pagkakamali na ituring ng isang babae na mahina siya.
“Ang babait ng mga baliw noh, napakadali nilang pasunurin”
Isa itong linya mula sa maikling kuwento na isang kabaliwan ang sobrang pagsunod ng isang babae sa isang lalaki tila isinisigaw ni Mayet Bayuga na isa itong napakalaking kabaliwan.
Sa katapusan ng maikling kuwento oo mayroong baliw sa isa sa mga tauhan ng kuwento at tila may nagbabadya na may susunod pang mababaliw.
Dudungaw sa maalikabok na binata ng mental hospital hihiga sa tabla na tinakpan lamang ng mumurahing tela lalapit sa isang charity ward na kulay lila ang kutis at marahil, magpapakatiwakal.
Matapos kong basahin ang buong kuwento isa lamang ang tumatak sa aking isipan.”DANGAL’ isang bagay na hindi maaring mawala at dapat na dalhin ng bawat babae hanggang sa kanilang pagtanda.
Isang napakagandang balita sa bawat babae ang mga isinulat ni Mayet Bayuga.
Bilang paglilinaw, hindi naman masama ang intensyon ng lahat ng kalalakihan sa mga kababaihan. Marahil napansin na ni Mayet Bayuga na maraming mga kalalakihan ang hindi na marunong ng tamang paraan ng pagtrato sa mga babae. Patas na paraan sa panliligaw, tamang respeto. Marami nang nakalilimot ng mga bagay na ito sa ngayon.
Kaya siguro nagsisilbi pa ring paalala ang kanyang mga gawa para sa susunod pang henersayon ng mga kababihan.
Ilang sandali pa ay natapos na ang klase. Isang napakagandang aral na isinalin ni Ginoong Alarde sa asignaturang Filipino ang kuwentong “Baliw” ni Mayet Bayuga.
Tuesday, February 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment