Pheleene

A writer wanna be's online journal. True to life stories, fiction, compositions etc. No pretentions just being myself. Everything is written while my ideas are fresh and while im at the peak of whatever it is that i feel about whatever it is that i would want to blog about.
Overflowing thoughts, interests and creative juices. Anything and everything that can possibly crash into an abnormal brain like mine.


-Pholiamoun Finreoune

Tuesday, March 2, 2010

Habang Buhay Kong Ikagagalak--(Ang Mamatay ng Dahil Sa'yo)

Ang lahat ay ipinanganganak na may angking alab sa kalooban. Isang ningas na maaring magliyab, ningas na maari ring mauwi sa pagiging abo na lamang.

Ang alab ay madali nating napaliliyab, lalo na kapag inungkat ang pagliyab ng alab na ito kalakip ang tamang dahilan, kalakip ang uhaw na pumipiglas sa iyong pagka patay- malisya, kalakip ang gutom na matagal nang nagpapagal na maibsan. At dulot nito, ang isang mabangis na katauhan.


ipanganganak ang isang panibagong sarili, walang pigil na hahanapin ang huwad na katotohanan, pinanggalingan, ang puno't dulo ng lahat ng nasa iyong kapaligiran.

Dulot ng di mapukaw na uhaw madalas ika'y mahihiwalay sa pagtakbo kasapi ang iba pang mga nag-aalab na nilalang.

Di maiwasan ang katigasan ng ulo sapagkat nasa murang edad pa lamang. Nagawa mo nang makipag sabayan noon pa man, ngunit tuluyan nang nahuli. at inisip na imbis na ituloy ang pagtakbo ay inisip na mas komportable ang maglakad na lamang.

Oras na para muling mamulat. Bumangon ka mula sa iyong pagkakahimlay, masyado nang matagal at tila masyado nang mabagal ang iyong paglakad.

Pilipinas! Huwag kang hihinto!

Habulin mo ang iyong napipintong pagsiklab, huwag pahuhuli, makibaka! Gisisngin ang alab ng pagkabayani sa bawat isang isinilang at nakinabang sa iyong kalupaan.

Kahit ang alitaptap kung magtabi-tabi'y nagpapamalas ng liwanag, Kayang kumislap... kayang kumislap, at sa kanilang pagkislap, ikaw ay magsusumiklab, mabubuhay ang dugong Pilipino at mabilis na dadaloy sa iyong mga ugat. Kabataan sigaw!

Maghuhumiyaw ang iyong loob kakabog ang iyong dibdib, magwawala, lalaban, pag iigihan, gagawa ng kaparaanan sa lahat ng bagay. Pagsusumikapan ang pagbasa ng bawat pahina, gagamitin angiyong mga kamay sa pagpinta ng mga larawan, magsusulat ng mga salitang magbubunsod ng matinding kilabot sa bawat isang makakakita, bawat isang makababasa, at mapupukaw ng kanilang mga pag iisip na sila ay nahaharap sa isang matinding digmaan, isang digmaan ng lahi at kaluluwa, digmaan ng materyal at tao, sarili laban sa sarili, digmaan upang iwaksi ang lahat ng hadlang.

At ikaw, ang magiging simula ng lahat ng pagbabago

tatayo kasabay ang alab na kailanma'y hindi magagapi. At ang iyong alab ay siya ring Maykapal na kailanma'y iyong magiging kadikit. walang humpay kang sasamahan, hindi ka iiwanan.

Pangarap kong mabuhay ang alab na ito sa lahat ng tao.

Ngayon ko lamang naintindihan ang tunay na laman ng Panatang Makabayan, sa tagal na sinambit ko ang panatang ito noong ako'y nasa murang edad pa lamang ni hindi man lang naipaliwanag sa akin ang saysay nito. Mismong ang panatang ito ay hindi nakadepende sa sarili lamang, sa aking pagninilaynilay sa panatang ito sa mas malalim pa nitong konsepto, natamo ko ang isang linyang nagsasabing

"Ang matibay na tatak ng tunay na Pilipino ay ang pag-akay sa kanyang pananampalataya sa Maykapal."


na siyang nagbuhat sa kantang "Bangon ni Rico Blanco" na tila may koneksyon sa paghagupit ni Ondoy sa ating bansa at sa muling pag "click" ko ng sumunod na "link" nahanap ko ang isang magndang komposisyon na ito.

YUGTO


Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik
Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka... lumiyab...

Sa gitna ng kadiliman may puwitreng nagmamasid
May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy
Laging mga problema sa iba'y sinisisi

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinaka matalik
Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin
Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo'y sa bangin

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka...

Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni
Ng mga kaluluwang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao...

Ang mga tinig palakas ng palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang

Ang mga tinig palakas ng palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang

Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto...

Lumiyab ka...
Lumiyab ka...
(Sa ngalan ng katotohanan)
Lumiyab ka...
(Sa ngalan ng iyong dangal, ang puso mo't iyong isipan)
Lumiyab ka...
Lumiyab ka...
(Ialay mo sa maykapal)
Lumiyab ka...

--Yugto by Rico Blanco

at dahil dito naiintindihan ko na kung bakit ganito ang awitin ni Rico Blanco, kungbakit dapat kong ipagmalaki at mahalin ang Pilipinas, kung ano ang ibig sabihin ng Lupang Hinirang at kung bakit buong loob kong ikaliligaya

"Ang mamatay ng dahil Sa'yo"

No comments:

Post a Comment